Lumaktaw patungo sa pangunahing nilalaman

Introdúksiyón

Hydroponics ang paraan ng pagpapalaki ng mga halaman nang walang lupa gamit ang mineral nutrient solutions na nagsusuplay ng lahat ng nutrients na kinukuha ng halaman mula sa lupa.

Ang Simple Nutrient Addition Program o SNAP Hydroponics ay ligtas, madaling gamitin at abot-kayang sistemang hydroponics na angkop para sa pangtahanan at maliit na komersiyal na produksiyon ng gulay.

Ang SNAP Hydroponics Project

Ang SNAP Hydroponics ay dinevelop sa Institute of Plant Breeding, University of the Philippines Los Baños (IPB-UPLB) na may supporta ng Bureau of Agricultural Research. Layunin nito na maipakilala sa mas maraming Filipino ang hydroponics.

Ang proyekto ay pinangunahan ng mga siyentipiko ng IPB na sina Dr. Primitivo Jose Santos (retirado) at Dr. Eureka Teresa Ocampo.

Ang proyekto ay sinimulan noong 1999 at marami na’ng nakinabang dito.

SNAP Nutrient Solution for Hydroponics

Ang SNAP Nutrient Solution for Hydroponics ay isa sa mga output ng SNAP Hydroponics Project. Ito’y pormulasyón ng hydroponic nutrient na ibinatay sa Hoagland’s solution. Ang SNAP nutrients ay binubuo ng dalawang bote: SNAP A at SNAP B.

Mga bote ng SNAP A at SNAP B.

Ang bote at disenyo ng iteketa ng SNAP nutrients ay regular na nagbabago. Ang IPB-UPLB ay palagiang humahanap ng paraaan upang gawing mas ligtas at matibay ang lalagyan ng SNAP nang hindi tumataas ang gastusin.

Kumpara sa ibang brand o pormulasyón ng nutrient solution pawang ang SNAP lang ang nakapagbibigay ng magandang resulta nang hindi nangangailangan ng palagiang pag-monitor ng pH ng nutrient solution. Ito’y nagbibigay-daan upang lubusang matamasa ng mga baguhan ang mga benepisyo ng pagtatanim sa hydroponics na wala ang kumplikadong agham sa likod ng sistema. Dagdag pa rito, hindi kailangan ng SNAP ng karagdagang kagamitan at suplay gaya ng pH/TDS testers at pH adjustment kits. Ito’y isa lamang simpleng programa ng pagdadadag ng nutriyents.

Ayon kay Dr. Santos at Dr. Ocampo:

… ‘Di tulad ng ibang nutriyent solusyon sa merkado na nangagailangan ng palagiang pag-monitor ng pH upang itama ang mabilis na pagbaba ng pH, ang paggamit ng SNAP nutriyent solusyon ay nagbabawas ng monitoring dahil sa high buffering capacity nito (pinipigilan ang pagbaba ng pH). Ang natataninging katangian ng SNAP nutriyent solusyon na ito ang nagbibigay-daan upang magamit ang nutriyent solusyon sa sistemang hydroponics nang mahigit sa isang buwan na hindi pinapalitan ang solusyon na ginagamit sa sistema…

— SNAP Commercialization Project (pagsasalin), 18 Pebrero 2021