Lumaktaw patungo sa pangunahing nilalaman

Mga Malimit na Tanong

Sa pahinang ito nakalista ang ilan sa mga pinakamadalas na tanong tungkol sa SNAP Hydroponics.

Ano ang hydroponics?

Hydroponics paraan ng pagpapalaki ng halaman gamit ang mineral nutrient solutions sa tubig at walang lupa.

Ano ang SNAP Hydroponics?

Ang SNAP Hydroponics ay isang ligtas, madaling gamitin at abot kayang sistemang hydroponics na angkop para sa pangtahanan at maliit na komersiyal na produksiyon ng gulay. Ang “SNAP” ay daglát para sa “simple nutrient addtion program.”

Ano ang SNAP Nutrient Solution for Hydroponics?

Ang SNAP Nutrient Solution for Hydroponics ay hydroponic nutrient solution. Ito ay karaniwang ginagamit sa SNAP Hydroponics at magagamit rin sa ibang uri ng sistemang hydroponics.

Ang SNAP Nutrients ay dine-develop at ginagawa sa Institute of Plant Breeding. Ito ay binubuo ng set ng 500mL PET bottles na may iteketang “SNAP A” at “SNAP B.” Ang SNAP A ay puti at medyo malabo at ang SNAP B ay malinaw at may paka-dilaw.

Ang SNAP A ay puti at malabo at ang SNAP B ay malinaw at may pagkadilaw.

Nagbago ang kulay ng SNAP A kamakaylan dahil sa mga pagbabago sa produksiyon. Kinumpirma ito ng opisyal na pahayag mula sa IPB

Saan ko mabibili ang SNAP Nutrient Solution for Hydroponics?

Babibili ang mga ito sa National Seed Foundation at mga SNAP Authorized Resellers. Dahil sa popularidad ng SNAP, ang ibang hydroponic nutrient solution ay tinutukoy at binebenta bilang “SNAP.” Upang makatiyak na totoong SNAP nutrient solution ang binibili, bumili lamang sa mga SNAP Authorized Reseller o sa National Seed Foundation.

Saan ko mabibili ang mga buto at cocopeat?

Ang mga ito ay mabibili sa mga lokal na garden o agri-vet centers. Mabibili rin ang mga ito sa mga gardening sections ng mga hardware stores. May mga pagkakataon na makikita rin ang mga ito sa mga bookstores at groceries.

Saan ko mabibili ang mga styrofoam boxes?

Ang mga ito ay mabibili sa mga nagtitinda ng prutas na nagtitinda ng imported na ubas. May mga karagdang impormasyon tungkol sa mga styroboxes dito.

Ano ang maari kong gawin sa natitirang solution matapos anihin ang mga pananim?

Maari itong gamiting pandilig sa mga regular na nakapasong halaman. Ito ay naglalaman pa ng kaunting nutrients na makakapagpataba ng mga halaman.

Ano ang nilalaman ng SNAP Nutrient Solution for Hydroponics A at B?

Mangyaring sumanguni sa materials safety data sheet (MSDS) ng SNAP Nutrient Solution for Hydroponics A at B.

Ano ang ipinahihiwatig ng mga petsa na nasa mga bote ng SNAP?

Ang mga ito ay ang araw ng pagkakagawa ng SNAP solution o ang batch date.

Lumilipas ba ang SNAP Nutrient Solution for Hydroponics?

Hanggat ang mga ito ay mahigpit ang pagkakatakip at nakalagay sa malamig at tuyong lugar, ang mga ito ay hindi lilipas.

Para sa iba pang mga katanungan pakikontak ang IPB-UPLB sa kanilang opisyal na Facebook Page.