Pagsasanay sa SNAP Hydroponics
Impormasyon tungkol sa hydroponics training seminar ng IPB-UPLB.
Dahil sa kasalukyang pandemya ng COVID-19 lahat ng pagsasanay sa IPB-UPLB ay suspendido hanggang sa magkaroon ng karagdagang abiso.
Ang UPLB Institute of Plant Breeding (IPB-UPLB) ay may maiksing kursong pagsasanay na may pamagat na “Training on Hydroponics Vegetable Production with Emphasis on SNAP Hydroponics.” Ang mga kalahok na nakatapos ng maikling kursong pagsasanay na ito ay ginagawaran ng sertipiko ng pagkumpleto.
Deskripsiyón
Mga teyoretikal at praktikal na aspekto ng hydroponics na may diin sa pag-setup at pagpapatakbo ng sistemang SNAP hydroponics; pagkilala sa iba’t ibang sintomas ng nutrient deficiency at nutrient toxicity; mga batayang konsepto sa plant nutrition na may kaugnayan sa produksiyon ng gulay gamit ang hydroponics; may kasamang starter kit: nutrient solution, buhay na mga binhi, at styrofoam na kahon at baso.
Iskedyul
Ang maiksing kursong pagsasanay sa SNAP Hydroponics ay regular na isinasagawa tuwing pangalawa at pang-apat na Martes ng bawat buwan. Subalit maaring mabago ang iskedyul depende sa availability ng resource speaker. Tumatagal ng isang araw ang pagsasanay at tipikal na nagsisimula ng 9:00NU at nagtatapos ng 5:00NH. Ang pagsasanay ay ginagawa sa IPB-UPLB.
Bayad sa Kurso
Ang bayad sa kurso ay ₱2,000. Kasama na ang mga materyales sa pagsasanay at mga meryenda.
Magpalista
Upang magpalista, piliin ang “Hydroponics Vegetable Production with Emphasis on SNAP Hydroponics” sa online registration form.