Tungkol sa Styroboxes
Mga impormasyon tungkol sa kahong yari sa styrofoam na ginagamit sa paggawa ng mga grow boxes para sa SNAP Hydroponics.
Ang mga kahon na yari sa styrofoam na ginagamit sa paggawa ng mga grow boxes ay iba-iba ang laki. Ang nirerekomendang sukat para sa SNAP Hydroponics ay 20”✕16”✕6”. Ang mga styrobox na may ganitong laki ay ginagamit para sa transportasyon ng mga inaangkat na ubas galing sa Estados Unidos at malimit ang mga ito ay nagmumula sa dalawang manufacturers: Styrotek LLC at Aptco. LLC. Mayroon din silang iba-ibang disenyo kaya nararapat na tandaan na bagamat magkakapareho sila ng sukat, ang kanilang itaas at ibabang bahagi ay hindi magkakasya sa ibang disenyo.
May panahon din ang pagpasok ng mga kahong styrofoam para sa mga ubas na inaangkat. Malimit sila ay karaniwang madaling makita sa mga buwan ng Setyembre hanggang Pebrero dahil sa mga buwang ito inaangkat ng merkado ng Pilipinas para sa panahon ng Kapaskuhan. Ang kanilang dami ay pinakamataas sa mga huling araw ng Disyembre at mga unang araw ng Enero. Sobrang dami ng mga ito, na sila ay karaniwang makikitang basurang tinatapon sa ilang lugar. Ito ang magandang panahon upang sila ay hanapin at kolektahin. Sa labas ng mga buwan na ito, tipikal na mas mahirap na ang mga itong makita.
Ang mga kahong styrofoam na ito ay maaring isaayos para magkasya sa kwadradong may sukat na 1m✕1.2m. Ito ang batayang sukat ng transport pallet. Ang pagkakaayos na ito ay maaring magamit upang mapakinabangan ng husto ang kapasidad ng growing area.