Lumaktaw patungo sa pangunahing nilalaman

Paano Ihanda ang SNAP Working Solution

Alamin ang tamang paraan ng paggawa ng SNAP Hydroponics working solution.

Ang tamang timpla ng SNAP working solution ay may malabo at medyo madilaw na itsura.

Ang pinaghalong tubig at SNAP Hydroponics Nutrient Solution for Hydroponics A (SNAP A) at SNAP Hydroponics Nutrient Solution for Hydroponics B (SNAP B) ay tinatawag na working solution. Nasa baba ang mga hakbang kung paano ito gawin.

Maghanda ng Malinis na Tubig

Magsimula sa 10L ng malinis na tubig. Ang mga tubig sa mga karaniwang na pinagkukunan gaya ng tubig sa gripo o balon ay maaring gamitin. Ang paggamit ng purong tubig ulan o purong distilled water (reverse osmosis) ay hindi nirerekomenda dahil ang purong tubig ulan at ang purong distilled water ay may neutral pH at ang pagtimpla ng working solution sa tubig na may neutral pH ay magreresulta sa solution na may pH na masyadong mababa para suportahan ang paglaki ng halaman.

Kung gumagamit ng tubig mula sa mga pangkaraniwang pagkukunan hindi na kailangang i-monitor ang pH. Ang SNAP nutrients ay may high buffering capacity na tumutulong magpapanatili ang sa tamang antas ang pH ng working solution.

Dagdagan ng SNAP Nutrient Solution

Dagdagan ng 25mL ng SNAP A at haluing mabuti. Dagdagan ng 25mL ng SNAP B at haluing mabuti. Hindi mahalaga kung alin sa SNAP A o B ang mauuna. Ngunit mahalagang ihalong mabuti ang SNAP solution sa tubig bago idagdag ang kasunod.

Huwag paghaluin ang SNAP A at SNAP B bago sila ihalo sa tubig. Kapag pinaghalo ang SNAP A at SNAP B, magre-react sila sa isa’t isa at mawawalan ng bisa ang resultang solution.

Punuin ang ganitong klaseng cup sa nibél na may tanda para sa 25mL.