Lumaktaw patungo sa pangunahing nilalaman

Tungkol sa Cocopeat

Alamin kung saan nabibili at kung paano gamitin ang cocopeat.

Ang cocopeat na kilala rin sa tawag na coco coir dust, ay ang natural na parang espónghang materyal na nagmula sa mga bunot ng niyog. Ito ay by-product ng industriya ng niyog. Isa sa mga marami nitong pinaggagamitan ay ang pakinabang nito sa hortikultura kung saan ito ay ginagamit bilang pangkondisyon ng lupa o bilang isang soilless growing medium.

Karaniwang brand ng cocopeat na tipikal na makikita sa mga gardening sections ng hardware stores.

Ang mga ito ay karaniwang mabibili sa mga garden o agri-vet centers kung saan sila ay itinitinda bilang tuyong pulbos na nasa supot o kaya ay tuyo at siksik na bloke o bricks. Dahil sila ay dumaan sa pagpoproseso, ang nakasupot na cocopeat at cocopeat blocks o cocopeat bricks ay karaniwang sterile sa pangkalahatan.

Pangkaraniwang tatak ng nakasupot na coco coir dust na tipikal na makikita sa gardening section ng hardware stores.

Ang cocopeat ay mabibili din bilang materyales na hindi pa napoproseso na binebenta ng bultuhan. ‘Di tulad ng naprosesong cocopeat, ang mga ito ay maaring kontaminado ng mikrobyo at dagta na kapwa nakasasama sa paglaki ng halaman.

Ang dagta ay nasa sariwang cocopeat. Ang dagta ay mayroong mga plant hormones nagiging sanhi ng ‘di tamang paglaki ng mga ugat. Ang dagta ay maaring alisin kung hahayaan itong mabulok. Ang isang mabisang paraan upang gawin ito ay ang simpleng pagtambak ng cocopeat sa labas kung saan ito ay mauulanan at masisikatan ng araw.

Ang cocopeat na hindi pa napoproseso ay basang-basa kaya sila ay maaring panirahan ng mapaminsalang bacteria at fungi. Ang pag-sterilize ng ‘di pa napoprosesong cocopeat ay nirerekomenda. Ang cocopeat ay maaring ma-sterilize sa pamamagitan ng pagpapakulo nito sa loob ng ‘di bababa sa 30 minuto.