Paggawa ng Sariling-Gawang Pambutas ng Styrofoam
Alamin kung paano bumuo ng saraling-gawang pambutas ng styrofoam mula sa komprehensibong gabay na ito.
Ang sistemang SNAP Hydroponics ay gumagamit ng grow box upang paglamnan ng nutrient solution at ilagay sa lugar ang mga seedling plugs. Isa sa mga hakbang sa paggawa ng mga grow box ay ang paglalagay ng butas sa itaas na parte ng styrobox kung saan isusuksok ang mga seedling plugs. Isa sa mga paraan upang gawin ito ay gamit ang sariling-gawang gamit na yari sa bakanteng lata.
Mga Materyales
Bakanteng Lata
Lata na may tatlong pulgada ang diyametro. Ang mga ito ay pangkaraniwan dahil sila ay ginagawa alinsunod sa mga pamantayang laki. Upang matiyak kung ang butas na magagawa ng lata ay mapagkakasya ang styro cup, isuksok sila sa lata mismo gaya ng makikita sa baba.
Ang paggamit ng lata na may ribbing sa tagiliran ay nirerekomenda. Ang ribbing ay nagpapatibay sa lata at binibigyang lakas itong mapanatili ang bilog nitong hugis kahit ang labi nito ay putulin upang patalasin ang dulo ng pambutas.
Mga Kawayang Patpat
Pares ng kawayang patpat o ibang materyales na sapat ang tibay upang magsilbing hawakan para sa gamit. Para sa kawayang patpat, nirerekomenda na gumawa ng pares nito sa pamamagitan ng paghati ng isang pirasong may kalahating pulgadang kapal upang gumawa ng isang pares na isang-kapat (1/4) na pulgada ang kapal. Gawin ito sa pamamagitan ng paghati sa patpat na nakaayon sa himaymay. Dapat ito ay may sapat na haba upang tumahak sa diyametro ng lata at may tatlong pulgadang nakalampas sa tigkabilang tabi ng lata. Siguraduhing makinis ang mga gilid at mga putol na dulo ng mga patpat na kawayan upang alisin ang mga tatal at matalas na gilid.
Ang paggamit ng isang pirasong kawayan ay makakatipid ng oras at gawain. Ngunit ang paugoy-ugoy na paggalaw na mararanasan ng gamit na ito ay maagang ikakasira nito. Ang mga hawakan ay maglalagay ng pwersa sa mga butas kung saan nakalusot ang mga ito sa lata. Ang mga tabi ng lata ay manipis at malambot. Ang pwersang ilalapat ng patpat ay may sapat na lakas upang palakihin ang mga butas at sa ilang gamit lang, ang mga ito ay masyado ng malaki at hindi na magagamit ang pambutas. Ang pag-ipit ng takip ng lata sa dalawang pirasong kawayan na pinagtagni ay maglilipat ng pwersa sa takip na mas kayang indahin ang mga pwersang ito.
Lastiko o Iba pang Pantali
Lastiko o ibang materyales na maaring gamitin upang italing magkasama ang mga patpat na kawayan. Maari ring gumamit ng matibay na tali o tamsi.
Mga Kagamitan
Ang labi ng bukas na dulo ng lata kay kailangang alisin upang makagawa ng matalas na gilid na pamputol. Ang isang pares ng tin snips ay kailangan upang magawa ito.
Kailagan ng kapirasong patpat na kawayan na may patusok na dulo. Ito ay gagamitin upang maglagay ng butas sa mga tabi ng lata kung saan papasok ang mga hawakan. Ito ay dapat tatlo hanggang limang pulgada ang haba at may kaparehong cross section ng materyales na gagamitin bilang hawakan.
Kutsilyo o itak na gagamitin para sa kawayan at lata; pambukas ng lata upang tuluyang buksan ang isang dulo ng lata ay kailangan din.
Mga Hakbang
Magsimula sa pamamagitan ng pagbukas ng isang dulo ng lata gamit ang pambukas ng lata.
Gamit ang kutsilyo o itak, gumawa ng hugis “T” na hiwa sa isang tabi ng lata malapit sa saradong dulo ng lata. Ang hugis “T” na ito ay maggagarantiya na ang butas ay mananatiling nakagitna kahit na ito ay palakihin gamit ang maliit na patpat na may matulis na dulo.
Sa pamamagitan ng gamit na yari sa kawayan, palakihin ang hugis “T” na hiwa upang makagawa ng mas malaking butas. Maaring gumamit ng kahit anong kasangkapan na may tamang laki upang pukpukin ang gamit patagos sa lata.
Ang hugis “T” na hiwa ang maggagarantiya na ang butas ay pantay na lalaki at mananatiling nakagitna kagaya ng nakalarawan sa baba. Ulitin ang prosesong ito sa kabilang panig ng lata.
Ilusot ang isa sa mga patpat na kawayan sa butas. Siguraduhing ito ay nakagitna upang magpantay ang haba ng mga hawakan. Ipatong ang isa pang patpat upang maipit ang takip ng lata sa pagitan ng piraso ng kawayan. Itali mga itong mabuti gamit ang tali o lastiko.
Pinakahuli, kung nanaisin, ang talim ng kasangkapang ito ay maaring mapatalas sa pamamagitan ng pagupit ng labi ng lata sa bukas na dulo nito. Bagamat ang hakbang na ito ay maaring gawin bago ang ibang mga hakbang, minumungkahi na kahulihan itong gawin dahil ang ginupit na gilid ay talagang matalim. Sapat ang talas nito upang makahiwa ng balat. Ang ibang mga hakbang na gagawin sa lata ay magkakaroon ng panganib na mabigyan ang isang tao ng hiwa kung ang mga ito ay gagawin na naalis na labi ng lata at mayroon nang matalas na gilid.