Pag-replenish ng SNAP Working Solution
Alamin ang mga tamang hakbang sa pag-replenish ng working solution ng SNAP grow boxes
Ang pag-replenish ng SNAP working solution sa loob ng grow box ay mahalagang bahagi ng maintenance ng sistemang SNAP hydroponics. Ang nibél ng working solution sa loob ng grow box ay bababa sa paglipas ng oras dahil ang solution ay mababawasan sa dahil sa evaporation at transpiration. Dagdag pa rito, ang konsentrasyon ng sustansiya sa solution ay bababa dahil ito ay ginagamit ng halaman upang suportahan ang kanilang paglaki.
Sa inisyal na pagka-set up, ang ibabang mahagi ng seedling plugs ay nakatubog sa working solution sa lalim na mga 1-2cm. Ang working solution ay tatagos sa mga hiwa at papasok sa baso at babasain ng lubos ang growing medium. Dahil dito, ang mga binhi ay lalaki ng nakababad sa tubig.
Upang mabuhay habang nakababad sa tubig, ang mga halaman ay magpapatubo ng aerial roots. Ang mga ugat na ito ay hindi buong na kalubog sa tubig at nakalantad sa basang hangin na nasa loob ng grow box.
Habang lumalaki ang halaman, mas maraming mga ugat ang tutubo at pupunta sa working solution. Dahil sa evaporation at transpiration, bababa ang nibél ng working solution hanggang sa hindi na nito abot ang ibabang habagi ng mga baso. Sa puntong ito, kung ang lahat ay maayos, ang medium ay hindi na naaabot ng working solution pero ang mga halaman ay kaya pa ring abutin ang working solution dahil tumubo at lumaki na ang mga ugat, dumaan sa mga hiwa palabas ng mga baso at papunta sa working solution. Lalong bibilis ang pagka-ubos ng working solution habang lalong lumalaki ang mga halaman.
Mahalagang makalabas agad ang ugat mula sa seedling plug at tumubo papunta sa working solution upang hindi ito “maiwan.” Kaya importante na kaunti lang ang growing medium na nasa loob ng seedling plug. Kapag masyado itong marami, magpapaikot-ikot lang ugat sa loob ng seedling plug at hindi tutubo papalabas at papunta sa working solution.
Habang tuluyan pang lumalaki ang mga halaman, mas marami pang solution ang makokonsúmo.
Importante na regular na sinisiyasat ang nibél ng working solution at huwag itong hayaang tuluyang maubos.
Para i-replenish ang working solution, dagdagan ito ng bagong working solution o malinis na tubig (nasa baba ang mga detalye) upang itaas ang nebél ng working solution hanggang ito ay halos umabot na sa ibabang bahagi ng mga seedling plugs.
HUWAG ibalik ang nibél ng working solution sa inisyal na nibél dahil malamang na ilulubog nito ang malaking bahagi ng mga aerial roots na na maaring maging sanhi ng pagkalanta, pagbagal ng paglaki o pinakamasklap, pagkamatay ng mga ito.
Kalimitang nararating ng mga madadahong gulay ang laking maari na silang anihin sa loob ng tatlo hanggang apat na linggo matapos silang i-transplant at karaniwang hindi na kailangan ang pag-replenish. Sa mga pagkakataon na kailangan silang alagaan ng lampas sa isang buwan o di kaya ay masyadong mabilis naubos ang nutrient solution kumpara sa inaasahan (lalo na sa mga buwan ng tag-init) at ang working solution ay dapat nang ma-replenish, dapat ito ay dagdagan ng malinis na tubig. Ito ay dahil ang working solution ay may sapat pang sustansiya upang suportahan ang paglaki ng mga halaman hanggang ito ay maani.
Para sa mga halaman na nangangailangan ng mas mahabang panahon para sa paglaki, ang pagdagdag ng working solution ay dapat gawin kada buwan. Kalimitan, bumababa ang nibél ng working solution ng mas maaga sa isang buwan, lalong-lalo na sa mga malalaking halaman. Sa mga ganitong pagkakataon, i-replenish ang working solution gamit ang malinis na tubig.