Lumaktaw patungo sa pangunahing nilalaman

Produksiyon ng Binhi

Alamin ang mga katangian ng mabuting butó, tamang pag-imbak ng mga butó at kung paano magpalaki ng malusog na mga binhi mula sa mga butó.

Malulusog na mga binhi ng letsugas.

Isa sa mga pinakaimportanteng dahilan na nagdidikta ng masaganang ani sa ilalim ng angkop na kondisyón ay ang mga butó at ang mga binhing pinalaki mula sa mga ito.

Mainam na Buto

Ang mga masaganang ani ay nagsisimula sa mga mainam na butó. Ang mga mainam na butó ay nagmumula sa mga katiwatiwalang pinagkukunan. Ang mga katangian ng mainam na mga butó ay nakalista sa baba.

Mataas na Viability

Ang mga mainam na butó ay maayos ang pagsibol. Ang mga butó sa mga katiwatiwalang mapagkukunan ay malimit sinasaad ang katangiang ito bilang germination rate percentage. Mas mataas ang porsyento, mas maraming butó ang sisibol. Halimbawa, ang pakete na naglalaman ng 1,000 butó, at ang nakasaad na germination rate ay 90%, makakaasa na 900 na butó mula sa pakete ang uusbong.

Bukod pa sa porsiyentong nakasulat sa pakete ng mga buto, ang germination rates ay maari ring malaman sa pamamagitan ng germination test at ng flotation test.

Ginagawa ang germination test sa pamamagitan ng pagpapasibol ng bilang na sample mula sa koleksiyon ng mga buto at pagtukoy ng porsiyento ng buto na aktuwal na sumibol.

Malimit, ang mga butong sumisibol ay lumulubog sa tubig. Ang pagpapalitaw ay nagsisilbing paraan upang paghiwalayin ang mga butong sisibol at mga butong mababa ang kalidad.

Pagpapalitaw ng mga buto. Ang mga butong sisibol ang lumulobog at ang mga butong patay ay lumulutang.

Pinagmumulan ng Normal na Binhi

Ang mga binhing sumisibol sa mainam na mga buto ay may malusog na radicle, matatag na tangkay, at malusog na cotydedon.

Mga malusog na binhi ng mustasa.

Mataas na Pisikal na Pagkadalisay

Ang magandang koleksiyon ng mga buto ay walang mga dumi gaya ng buhangin, bato, ipa, bunot, lupa, atbp. Wala rin silang mga buto ng ibang uri o klase ng halaman; bubot, basag, bansot, tuyo, may sakit at pinamumugarang mga buto.

Mataas na Genetic Purity

Ang mga mainam na buto ay galing sa mga halaman na pinalahian upang mapanatili ang mga kanais-nais na katangian para sa isang partikular na pananim. Ang mga buto na may mataas na genetic purity ay maasahang laging ipapakita ang mga katangiang ito.

Tamang Moisture Content para sa Pag-imbak

Ang mga mainamn na buto ay hindi masyadong basâ na maari silang tubuan ng mga pathogens at hindi sila masyadong tuyo na ang mga buto ay nawawalan ng viability habang nakaimbak.

Itiketa ng pakete ng buto.

Walang Sakit o Mga Peste

Ang mga buto na walang mga sakit at mga peste ang simula ng masaganang ani.

Information sheet tungkol sa mga sakit na nagmumula sa mga buto.

Produksiyon ng Binhi

Mga Materyales

  • Sterilized na growing media - ang sterilized na cocopeat ay angkop dito.

  • Punlaan - ang mababaw na lalagyan na may butas na lagusan ng tubig sa ilalim ay angkop dito.

    Microwavable tub na giwawang punlaan ng buto.

Mga Hakbang

  1. Punuin ang punlaan ng suson ng basang growing media na may kapal na 2-3cm. Dasikin at pantayin ang growing medium.

  2. Ibudbod ang mga maliit na buto ng manipis at pantay-pantay. Kung gaano karami ay nakadepende kung ilan ang kakailanganin. Maglaan ng karagdagang mga buto na mga 15% ng dami ng kakailanganin upang masaalang-alang ang germination rate at iba pang mga sanhi na maaring ikabawas ng mga binhi.

  3. Matapos magpunla, diligan ng lubos ayon sa pangangailangan. Asahan ang pag-usbong ng mga buto sa loob ng tatlo hanggang limang araw.

  4. Diligan ang mga binhi kapag kailangan hanggang sila ay handa na para ipunla.

Kaliwa: Mga binhi na handa nang ipunla; kanan: Mga butong kapupunla lamang.

Mga Karagdagang Tips

Malimit, sa mga pakete ng buto nakasulat ang batch date or ang sow-by-date ng butong nasa loob ng pakete. Kapag bumibili ng pakete ng buto, piliin ang mga paketeng may kamakailan lamang na batch date o may sow-by-date na ilang buwan pa sa hinarahap. Ang pagkasariwa ng mga buto ay may malaking epekto sa viability ng mga ito at ang mga petsang ito ay isang maasahang sukatan kung gaano kasariwa ang mga buto.

Upang mapanatili ang mataas na germination rate ng mga buto na nasa bukas na pakete, ilagay ang mga ito sa kanilang orihinal na foil packets na nakatiklop ng sarado ang bukas na dulo. Ilagay ang mga ito sa selyadong lalagyan at panatilihing refrigerated ang mga ito.